Thursday, April 28, 2016

Bakit si Duterte?

Labing isang araw na lamang at dadating na ang araw ng eleksyon. Marami pa ring nagtatanong sa akin tungkol sa Pangulong aking ihahalal sa ika-siyam ng Mayo.
Bakit ko ba nga ba iboboto si Duterte?

Dahil gusto kong...
  1. Maimplement ang 911 rescue system.
  2. Magsuot ng backpack sa likod at hindi sa harap.
  3. Makapaglabas ng cellphone sa sidewalk at makapagtext ng hindi napa-praning.
  4. Matulog sa jeep nang hindi nag-aalala kung may mandurukot o manghihipo sa jeep.
  5. Makapaglakad-lakad sa labas kapag gabi ng hindi nag-aalala kung mare-rape ba ako o madudukutan, o maho-holdap.
  6. Makasakay sa taxi ng hindi pipilitin na dagdagan ang bayad.
  7. Masuklian ng (ng tama!)taxi driver.
  8. Makagamit ng cellphone sa pampublikong lugar.
  9. Makapagpatong ng bag sa bakanteng upuan sa isang fast food chain o restaurant.
  10. Makapunta sa Divisoria nang hindi kailangang mag-siksik at magtago ng pera sa bulsa, bra, at medyas.
  11. Makatakbo sa kalsada tuwing bagong taon ng hindi natatakot kung masasabugan ng plapla.
  12. Makapaglakad sa pampbuklikong lugaar ng hindi hinihika dahil sa mga nagyoyosi sa kalsada.
  13. Matulog ng mahimbing sa gabi dahil walang nagwawalang kapitbahay sa videoke.
  14. Huwag nang yakapin ang bag kapag naglalakad sa matataong lugar.
  15. Hindi masipulan o matingnan mula ulo hanggang paa ng mga manyak sa daan.
  16. Pumunta sa Baclaran at magdasal ng mataimtim at hindi mag alala sa aking mga gamit.
  17. Hindi na matakot sa mga lasing na naglipana sa gabi.
  18. Makitang walang kalat ang mga kalsada at mga ilog.
  19. Maparusahan ang mga dumudura at sumisinga sa kalsada!
  20. Maparusahan ang mga nagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.
  21. Lununin ng mga nagyoyosi sa pampublikong lugar ang mga upos ng sigarilyo nila.
  22. Malutasan ang Mamasapano masaccre, PDAF scam, Maguindanao massacre, at laglag bala scam.
  23. Makulong si Gloria Macapagal Arroyo at lahat ng salot na nagnakaw sa gobyerno.
  24. Maging libre ang pagpapaospital ng mga mamamayan.
  25. Maging libre and edukasyon.




__________________________________

Hit me up!

No comments:

Post a Comment