Labing
isang araw na lamang at dadating na ang araw ng eleksyon. Marami pa ring
nagtatanong sa akin tungkol sa Pangulong aking ihahalal sa ika-siyam ng Mayo.
Bakit
ko ba nga ba iboboto si Duterte?
Dahil
gusto kong...
- Maimplement ang 911 rescue system.
- Magsuot ng backpack sa likod at hindi sa harap.
- Makapaglabas ng cellphone sa sidewalk at makapagtext ng hindi napa-praning.
- Matulog sa jeep nang hindi nag-aalala kung may mandurukot o manghihipo sa jeep.
- Makapaglakad-lakad sa labas kapag gabi ng hindi nag-aalala kung mare-rape ba ako o madudukutan, o maho-holdap.
- Makasakay sa taxi ng hindi pipilitin na dagdagan ang bayad.
- Masuklian ng (ng tama!)taxi driver.
- Makagamit ng cellphone sa pampublikong lugar.
- Makapagpatong ng bag sa bakanteng upuan sa isang fast food chain o restaurant.
- Makapunta sa Divisoria nang hindi kailangang mag-siksik at magtago ng pera sa bulsa, bra, at medyas.
- Makatakbo sa kalsada tuwing bagong taon ng hindi natatakot kung masasabugan ng plapla.
- Makapaglakad sa pampbuklikong lugaar ng hindi hinihika dahil sa mga nagyoyosi sa kalsada.
- Matulog ng mahimbing sa gabi dahil walang nagwawalang kapitbahay sa videoke.
- Huwag nang yakapin ang bag kapag naglalakad sa matataong lugar.
- Hindi masipulan o matingnan mula ulo hanggang paa ng mga manyak sa daan.
- Pumunta sa Baclaran at magdasal ng mataimtim at hindi mag alala sa aking mga gamit.
- Hindi na matakot sa mga lasing na naglipana sa gabi.
- Makitang walang kalat ang mga kalsada at mga ilog.
- Maparusahan ang mga dumudura at sumisinga sa kalsada!
- Maparusahan ang mga nagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.
- Lununin ng mga nagyoyosi sa pampublikong lugar ang mga upos ng sigarilyo nila.
- Malutasan ang Mamasapano masaccre, PDAF scam, Maguindanao massacre, at laglag bala scam.
- Makulong si Gloria Macapagal Arroyo at lahat ng salot na nagnakaw sa gobyerno.
- Maging libre ang pagpapaospital ng mga mamamayan.
- Maging libre and edukasyon.
__________________________________
Hit me up!
Wedding Blog: http://www.kelvinandleng2015.blogspot.com/
My life's blog: http://www.sentimentsofleng.blogspot.com/
Facebook: https://www.facebook.com/elliane.varias
Instagram: https://www.instagram.com/plinsesleng
No comments:
Post a Comment