Tuesday, December 3, 2013

[K&L] Buti na lang Hanggang Ngayon



Sabi nila, sa umpisa lang daw magaling ang mga lalaki.


Dati, lagi kang sinusundo; ngayon, ite-text ka na lang kung san kayo magkikita.

Dati, lagi kang hinahatid; ngayon, ite-text ka na lang at tatanungin ka kung nakauwi ka na.

Dati, pinagbubuksan ka ng pinto; ngayon, nauuna pa sa iyo, o kaya iintayin ka na lang sa labas o sa loob.

Dati, ipinagbubuhat ka ng gamit, kahit na puro glitters at flowers ang shoulder bag mo.
Ngayon, kahit magkanda-kuba ka na sa dala mo, isa na lang ang dadalhin nya.

Dati, madalas ka nyang nililibre; ngayon, KKB na.

Dati, lahat ng gusto mong pelikula, panonoorin nya para sayo.
Ngayon, bahala ka na manood mag-isa o kasama ng mga kaibigan mo.

Dati, iintayin ka muna bago kumain; ngayon, pag dating mo, tapos na syang kumain, binawasan pa ang pagkain mo.

Dati, binibigyan ka ng bulaklak; ngayon, tinetext ka na lang.

Dati, lagi kang nireregaluhan; ngayon, swerte na kung mabati sa Facebook.

Dati, araw-araw kang tinetext; ngayon, "good morning" at "good night" na lang.

Dati, lagi kayo nagkikita; ngayon, weekend na lang.

Dati, lagi kayo magkasama; ngayon, lagi na lang kalaro ang barkada.

Dati, pag nag-aaway kayo, sya ang laging nauuna magsorry; ngayon, sya pa ang nauunang magtaas ng boses.

Dati, pag di mo pinapansin sa text, hindi ka titigilan ng tawag o text; ngayon, tuwang tuwa pa at di mo kinakausap.






Buti na lang si Kelvin hindi nagbabago...

Hanggang ngayon, madalas pa rin nya ako sinusundo.

Hanggang ngayon, madalas pa rin nya ako hinahatid.

Hanggang ngayon, pinagbubuksan pa rin nya ako ng pinto.

Hanggang ngayon, ipinabbi-bitbit pa rin nya ako ng gamit; kahit yung napakaliit na bag na sparkly pink.

Hanggang ngayon, nililibre at dine-date pa rin nya ako.

Hanggang ngayon, sinasamahan pa rin nya ako manood ng mga pelikula ni Channing Tatum.

Hanggang ngayon, hinihintay pa rin nya ako bago kumain.

Madalas, ibinibigay pa nya sakin ang mga hipon at mushroom mula sa plato nya, kasi alam nya paborito ko ang mga yon.




Hindi na nya ako binibigyan ng bulaklak, kasi puro regalo, aso, bag, power extension, at kung ano ano ang ibinibigay nya.

Hanggang ngayon, nireregaluhan pa rin nya ako at binabati sa Facebook.

Hanggang ngayon, araw-araw pa din nya ako tine-text; at nagagalit pa pag di ako nagrereply.

Hanggang ngayon, halos araw-araw kami nagkikita.

Hanggang ngayon, lagi pa rin kami magkasama, kasama man ang barkada o pamilya.

Hanggang ngayon, kahit ako ang may kasalanan, sya pa rin ang nag-so-sorry.

Hanggang ngayon, spoiled pa rin ako.


Hanggang ngayon, di sya nagbabago.

Pitong taon mo na akong hinahatid, sinusundi, dine-date, kinukulit, tinutulungan, sinasamahan, tine-text, tinatawagan, pinagsisilbihan at minamahal.

Pinatunayan mo sakin na di ka katulad ng iba. Pinatunayan mo na mali sila.

Thank you, hon. For everything that you do; for not changing.

I love you.

Happy 7th Anniversary.




No comments:

Post a Comment