Apparently there's a post of
Facebook that has gone viral. This is about a young man named Erickson Ignacio
Marcos, who was immensely insulted when he was offered a data analyst job in a
call center company. He claims that his level of education (5-year bachelor
degree) is too good for a call center job; and that the offer is an insult to
his education and profession.
When I
first read the post, I was so furious I had tears in my eyes. You see, I have
been working in the call center for years and I have tons of friends who also
have been in the industry for as long as I have, and some even longer. But
instead of swearing at him and hunting him down and skinning him alive, (which
I still want to do) I've decided to write him a letter. At dahil buwan ng wika,
pahintulutan nyo akong magsulat sa Filipino.
Dear Mr.
Marcos,
My name
is Elliane L. Varias-Tan. I am a registered nurse, and a bronze medalist from Far
Eastern University Institute of Nursing. I also have been working in the call
center for years.
Maitanong
ko lang. Anong masama sa pagta-trabaho sa call center? Mababang uri ba ito ng
trabaho?
Dahil
hindi ko alam ang istorya mo, hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang sarili ko.
Nagumpisa
akong bilang call center agent nung July 24, 2006, anim na araw matapos kong
malaman na pumasa ako sa board exam. Bakit call center? Dahil galing ako sa
batch 2006, may issue noon tungkol sa leakage at walang ospital na gustong
tumanggap sa akin. Dahil gusto kong makatulong sa Mama at Daddy ko, nag-apply
ako sa call center. Natanggap din ako ng araw na iyon at nagtrain ako kung pano
kumausap sa mga Amerikano, nag saulo ako ng mga codes, laws, policies, spiels,
produkto, at kung ano ano pa. Nag ensayo kung pano gumamit ng Avaya phone,
magtransfer ng call, mag hold, at sumalag ng lahat ng klase ng mura at
panlalait. Dahil Amerikano ang mga customers ko, kailangang sa gabi ako
magtrabaho. Naranasan mo na bang magtrabaho buong gabi, Mr. Marcos? Yung
pakiramdam na antok na antok ka na, hilong hilo ka na sa antok, pero kailangan
mo pa ring sumagot ng tawag ng mga customers na walang ginawa kundi magtanong,
mag utos, awayin at murahin ka tungkol sa kanilang account? Buong gabi wala akong ginawa kundi kumausap at tumulong sa mga taong nagbibigay ng negosyo sa kumpanyang pinapasukan ko. Lahat ng kamag anak
at kaibigan ko, himbing na himbing sa pagtulog, pero ako nag sasaulo pa rin,
kausap ang QA, TL, managers, at kung sino sino pa. Ginawa ko yon ng mahigit na
isang taon, Mr. Marcos.
Simula
2008 hanggang kasalukuyan, unti unti na akong napromote; mula English Skills
Trainer, naging Voice and Accent Trainer, Senior Trainer, at Assistant Training
Manager. Natutunan ko kung paano mag turo sa mga ahente, supervisors, quality
analysts, manager, senior manager, at associate vice presidents. At dahil nasa
iba't ibang lugar ang mga accounts ng kumpanya, nagturo ako sa iba't ibang
lugar sa iba't ibang shift. Mr. Marcos, naranasan mo na bang mag trabaho sa
iba't ibang oras? Lunes at Martes umaga ang shift mo sa Makati, tapos
Miyerkules hanggang Byernes sa gabi naman ang trabaho mo sa Ortigas o
Mandaluyong? Naranasan mo na bang sumakay ng jeep, bus, at tricycle, taxi,
Uber, at eroplano araw araw papuntang Makati, Mandaluyong, Ortigas, Quezon
City, Marikina, Taguig, Pasay, Nueva Ecija, at Cebu? Naranasan mo na bang
makatulog sa loob ng bus, at pagkagising mo, sa sobrang disoriented mo, hindi
mo na alam kung papasok ka pa lang o pauwi ka na? Naranasan ko yon, Mr. Marcos.
At hanggang ngayon nararanasan ko pa din yon.
Mahirap
ang napili kong trabaho, Mr. Marcos. Napakahirap.
Pero...
Dahil sa
propesyong ito, lumawak ang aking kaalaman at karanasan mula sa pagkakakilala
sa mga atleta, doktor, MD at PhD, nars, engineer, artists, wrestler, arkitekto,
inhinyero, dentista, pharmacist, aktor, yoga instructors, guro, abugado, mga may
master's degree, mga COO, may ari ng kani-kanilang negosyo, mga hindi nakatapos
ngunit mga nasa matataas ng posisyon sa kanilang mga kumpanya.
Dahil sa
call center na ito, maraming akong nakilalang ina, ama, anak, kapatid, pinsan,
kaaway at kaibigan.
Dahil sa
call center na ito, nakaipon ako ng pera at nakasakay ng eroplano para
makapunta sa Albay at Cebu at nakilala ang iba't ibang tao. Mga lugar na dati'y nakikita ko lamang sa pahina ng
aklat ko sa eskwela.
Nang
dahil sa propesyong ito nakapagturo ako sa iba't ibang unibersidad at lugar sa
Luzon tulad ng UP, Ateneo, De La Salle Lipa, Asia Pacific College, Philippine
National Police, at iba pa.
Nang
dahil sa call center na ito, nakabili ako ng bahay para sa magulang ko. Isang
3-bedroom bungalow na nakatayo sa isang 440sqm na lote sa Batangas; isang lugar
kung saan makikita mo ang Taal Lake pati na ang mga ilaw ng Tagaytay pag dating
ng gabi. Isang lugar kung saan makakalanghap ka ng malinis ang hangin at
makakarinig ng mga huni ng iba't ibang ibon.
Nang
dahil sa call center na ito, nakakabili ako ng mga furniture, appliance, damit,
gadget, at kahit ano pang gustuhin ko, ng asawa, at ng magulang ko.
Nang
dahil sa call center na ito, nabuhay ko ang pamilya ko, natulungan ko ang magulang ko na pag-aralin si Kuya ng Nursing, natulungan kong pag-aralin ang pamangkin ko, at nakatulong ako makapunta at makapagtrabaho si Ate sa
Dubai.
Nang
dahil sa call center na ito naibibili ko ng kahit anong naisin nila ang magulang
ko; napagbakasyon ko sila sa Baguio ng isang linggo, naibibili ko ng designer
bags ang Mama ko, at mga relo ang Daddy ko. Dahil sa trabahong ito, naipapasyal
ko ang magulang ko at naidadala kung saan nila gusto, at nakakabili ng
maintenance na gamot nila.
At
tandaan mo, ito ay aking kwento lamang. Alam mo bang mahigit isang milyon na
ang nagta-trabaho sa call center?
Ngayon,
matanong nga ulit kita. Anong masama sa pagta-trabaho sa call center? Mababang
uri ba ito ng trabaho?
___________________________________
Hit me up!
Wedding Blog: http://www.kelvinandleng2015.blogspot.com/
My life's blog: http://www.sentimentsofleng.blogspot.com/
Facebook: https://www.facebook.com/elliane.varias