I am more than "call center lang"
So many people look down on people who work and have worked in the BPO. I worked in the BPO from 2006 to 2015.
Recently, I made a decision that was dismissed kasi "call center lang" ako.
Taglish na lang para maintindihan ng lahat.
I am more than "call center lang". I am a Registered Nurse. I am a trainer. I am a speaker. I am a business owner. I am a wife. I am a sister. I am a daughter.
I am a Registered Nurse. Hindi man ako nakapag-trabaho sa ospital but you do not know what I had to go through to pass the board exam and EARN my license.
Nag-aral ako ng apat na taon, nakapag-duty sa iba't ibang ospital sa Kalakhang Maynila, Bulacan, at Cavite, nag-review, nag-exam, naka-pasa sa board exam.
Alam mo bang mula sa mahigit 3,000 na estudyante mula nung 1st year sa college ay wala pa kaming isang libo ang grumaduate, at nakasungkit pa ako ng bronze medal?
Alam mo bang 94% ang pass rate ng FEU Institute of Nursing?
Alam mo ba kung ilang gabi akong hindi natulog para lang masa-ulo ang bwakanang Anatomy and Phisiology, Chemistry, Pharmacology, Microbiology, Infectious Diseases, Parasitology, Community Health, Psychology, Nutrition, Statistics, Physics, Medical and Surgical Nursing, Maternal and Child Nursing, Sociology, at Nursing Research - pati na yang pag-gawa ng wall-to-ceiling na Nursing Care Plans na nakalagay pa sa manila papers na i-p-present mo sa mga instructors? (Wala pang gumagamit ng MS PPT noong panahon ko; acetate pa nga ang gamit ng prof ko sa Cardio e)
Bukod sa pag-aaral, alam mo ba ang stress na dinanas ko sa mga practical exams tulad ng moving exams, revalida, practice demo, injection, blood tests, palpation, percussion - kung saan pinag-praktisan namin ng mga classmate ko ang isa't isa?
Alam mo ba na nakapag-duty ako sa lahat ng wards sa ospital? Sa Pediatrics, Geriatrics, Obstetrics, National Center for Mental Health Pavillion 9, Emergency Room, Operating Room, Delivery Room, Recovery Room, Medical Ward, at iba pa?
Alam mo ba ang pakiramdam mag-alaga sa mga may sakit sa buto, utak, atay, puso, bato, baga, paa, tuhod, balikat, at ulo?
Alam mo ba ang pakiramdam na mag assist sa doctor magpa-anak? Alam mo ba ang pakiramdam na mag-assist sa doctor sa Operating Room para mag opera sa utak, ugat, buto, at kung ano ano pa?
Alam mo ba ang pakiramdam na mag trabaho sa Emergency Room at mag asikaso ng mga pasyente na nasagasaan, naaksidente, inatake sa puso, labas ang buto or bituka, o naka-lunok ng limang piso?
Alam mo ba ang pakiramdam na mag-linis ng suka, tae, ihi, apdo, at dugo ng hindi mo ka-ano-ano?
Alam mo ba ang pakiramdam na yakapin at magpatahan ng mga nahihirapan dahil sa sakit o dahil namatayan?
Alam mo ba ang pakiramdam ng namatayan ng pasyente na lubos mong inalagaan at napalapit na sa puso mo?
Alam mo ba kung ilang oras nag hintay ang magulang ko sa ground floor ng University of the East habang nag iintay silang matapos ako sa board exam?
Alam mo bang na-aksidente pa si Daddy at hinampas ng PVC pipe at pumutok ang kilay sa Recto habang iniintay niya ako?
Alam mo ba ang pakiramdam na mababaliw ka na sa pag iintay ng results kung pumasa ka sa board exam?
Alam mo ba ang pakiramdam ng isang tao sa unang pagkakataon na makuha ang PRC license?
Alam mo ang lahat ng sinakripisyo ng magulang ko para magawa ko ang lahat ng ito?
Alam mo ba na halos mabaon kami sa utang para lang makatapos ako?
Alam mo ba na hanggang Bulacan ay hatid sundo pa ako ng Daddy? Alam mo ba na sumasabay si Mama sa pag pupuyat ko at pinag titimpla pa ako ng Milo sa madaling araw habang nag-aaral ako?
Alam mo ba kung ilang isda, karne, gulay, blanket, gamot, at dental chair ang binenta ng magulang ko, mapag-aral lang ako?
Alam mo ba kung ilang daang libo na ang nai-loan ng Daddy ko sa Philippine Air Force mapag-aral lang kaming tatlong magkakapatid sa college?
Alam mo ba ang ligaya ng magulang ko nung napagtapos nila ako; lalo na nung nalaman nila na may nurse na sila?
Kaya huwag mong sasabihin na call center lang ako. Because you do not know the hell I and my parents went through to get to where I am.
I am more than "call center lang". Kung hindi ako nag-umpisa sa call center, wala ako kung anong meron ako ngayon.
I am more than "call center lang". I am a Registered Nurse. I am a trainer. I am a business owner. I am a wife. I am a sister. I am a daughter.
Malamang nagtatanong ka, kung RN ka, bakit ka nag call center?